Table of Contents
Diba? Aaminin nyo masarap naman kayo pero di kayo laging mahal.

We have soft-launched our blog for two months siguro naman oras na para ilaunch na talaga sya!
Welcome to Lasang Uulit! We started posting last November, siguro yung iba naabutan na iba pa logo namin tapos less than 500 pa lang followers (galing sa dating food shop namin). Pero eto tayo ngayon! 2500 na tayo.
So etong post na to ay about sa kung ano nga ba purpose ng blog namin at sino ba kami…
Why we started
Well unang una, etong Filipino food blog na to ay para sa mga food trip recommendations namin na hindi lasang hype. Hindi kami mahilig magrecommend ng instagrammable tapos di pala masarap. ?
Hindi kami mayaman kaya gusto namin sa tuwing magfoo-foodtrip kami yung masarap talaga at sakto ang presyo!
Marami kasi kaming nakikita na food trip recommendations tapos halos pare pareho lang laman, tapos pag andon ka na parang di sulit punta. Kaya naisipan namin gumawa ng legit na reference para sa mga nagbabalak magfood trip kung saan saan.
Meron kaming tatlong classification sa bawat recommendation namin, Lasang Uulit, Lasang Sulit at Uulit at Lasang Sulit at Super Uber Uulit.



Tandaan: Masarap lang finifeature namin, bonus na lang talaga kung sakto presyo at super laki ng serving nila.
Pero paano ba namin nakaclassify. Eto yung karaniwan na hinahanap namin:
1. Una dapat masarap talaga.
2. Sakto yung dami/laki ng serving sa presyo.
3. Pwedeng i-share ng 2-3 people yung isang order.
Madalas yung mga nasa Lasang Uulit ay yung mga masasarap na kainan pero may kamahalan. At kaya may dalawang sumunod na classification ay dahil naniniwala kami na maraming masarap na kainan na hindi kamahalan.
Mahilig din kaming magsupport sa local small businesses kasi naniniwala kami na dapat suportahan sila lalo na kung quality, sulit at masarap talaga ang inoofer nila. #supportlokalph
Madalas din, kapag may travel kami, mas gusto namin magtanong sa locals ng mga kainan na pinupuntahan talaga, minsan kasi pag puntahan na ng mga turista, bihira talaga yung super sulit sa presyo.
What our logo means

Alam nyo ba na kapag inilagay mo ang iyong kutsara/kutsilyo at tinidor sa position na katulad ng sa aming logo, ibig sabihin nito ay nasarapan ka iyong kinain?
Isa yan sa mga bagay na tinututo sa HRM/Culinary courses. Isa rin ito sa bagay na binabanggit din sa food etiquette rules.
Mapapansin nyo rin sa aming mga post sa Facebook at Instagram na finofocus namin ang pagkain kasya sa lugar, kasi naniniwala kami na hindi kailangan maging instagrammable ng isang lugar para masabi mong masarap ang pagkain don.
Saan kami Next?
Pwede nyo kaming ieemail ng suggestions at offers nyo sa lasanguulit@gmail.com.
Pero hindi kami yung local food blogger na basta basta lang nageendorse, tinitikman muna namin secretly bago kami magpakilala. Malalaman nyo lang na kami na talaga yon kung may business card at stickers kaming ibibigay.
Minsan nagpopost kami sa social media pages kung san kami next, pero madalas nasa Life + Travel na page nyo makikita ang dates ng gala namin 😉 Tara meet!
So ano, tara! Samahan nyo kami sa aming paghahanap nga mga kainan na lasang uulit!

Louee Gonzales
Louee is Lasang Uulit’s SEO wizard and content creator with a psychology background. Passionate about unearthing culinary treasures, she crafts mouthwatering stories, explores quirky recipes, and immerses herself in local food culture.